Caught in the act ng kaniyang amo ang isang 21-anyos na babae na nagpapadala ng pera gamit ang g-cash number ng kaniyang loading station na pinagtatrabahuan.
Ayon kay PMaj. Jimmy Paningbatan OIC ng Asingan MPS maraming beses na nanakukulangan ang sa laman ng kaniyang g-cash ang biktima at kamakailan lamang ng aktong mahuli nito ang mismong empleyado na nagpapadala ng pera.
Base sa isinagawang imbestigasyon, nahuli ng biktima ang suspek sa aktong nagpadala ng pera na nagkakahalaga ng PhP7,000.00 sa pamamagitan ng GCASH number nito na nakarehistro sa pangalan ni Samuel Sarmiento Lutriania (ex -boyfriend ng suspek), nasa legal na edad, at residente ng Brgy. Puelay, sa bayan ng Villasis.
Ang nasabing pera ay ipinadala sa kanya bilang bayad sa kanyang hiniram na motorsiklo.
Dahil dito ay naaresto ang suspek at nasa kustodiya na ngayon ng Asingan PS para sa kaukulang disposisyon.
Inihahanda naman ang kasong Qualified Theft laban sa suspek at hindi narin matulokoy ng biktima kung ilan na sa kabuuan ang nakuha ng suspek sakanya.