Nagsimula ang ika-20 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Senator-judge Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Sa kaniyang dasal, nanalangin si Zubiri na huwag sanang maging dahilan ang paglilitis upang magkawatak-watak ang mga mamamayang Pilipino, kundi maging mitsa ito ng tunay na pagkakaisa tungo sa malinis at tapat na pamamahala sa bansa.
Naitalang 15 senator-judges ang dumalo at naroroon sa pagsisimula ng pagdinig ngayong araw.
Sa pagpapatuloy ng paglilitis, iniharap ng House prosecution panel sa Impeachment Court ang kanilang bagong testigo na si Col. Manaros Boransing II.
Si Atty. Rey Robles naman ang nangasiwa sa offer of evidence ng panig ng prosekusyon kaugnay sa opisyal na salaysay ni Boransing.










