BOMBO DAGUPAN -Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 2,094 sa 3,370 ang pumasa sa Licensure Examination for Architects (LEA) na ibinigay ng Board of Architecture sa pamumuno ng chairman nitong si Arch. Robert S. Sac, kasama ang dalawa pang miyembro, sina Arch. Robert M. Mirafuente at Arch. Corazon V. Fabia-Tandoc.

Kabilang sa mga nakasama sa top 10 ay si Harry Jae Orines Osias ng

sa lungsod ng Urdaneta kung saan siya ay nasa pang pitung ranko na may 82 percent na rating.

--Ads--

Ang pagsusulit ay ginanap sa National Capital Region, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga nitong Hunyo 11 at 13, 2024.

Ang mga top performing schools in the June 2024 Licensure Examination for Architects as per Commission Resolution No. 1814 series of 2024 ay ang mga sumusunod: Polytechnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, University of San Carlos at Dela Salle College of Saint Benilde, INC.