DAGUPAN CITY- Hinihiling ng National Employees Union na sana ay maibalik na sa dating bersyon ang 2025 National Budget lalo na at maraming ahensiyang mas nangangailangan ng pondo ang natapyasan.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ernesto Alcanzare, Consultant ng DEPED National Employees Union, kapag pinag-aral ang dating version ng budget sa ngayon ay makikita ang malaking pagkakaiba nito.

Aniya, hindi maintindihan ng grupo kung bakit noong nagkaroon ng bi-cam ay nagkaroon ng kung ano-anong allotment at bawas sa budget.

--Ads--

Request umano ng nakararami na pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinubmit na pagbabago sa 2025 National Budget.

Sana umano ay huwag nang baguhin ang dating isinumbit na panukala, at maging ganoon na lamang tulad ng dati.

Unconstitutional at hindi rin naaayon sa batas ang ginawa ng bi-cam sa nasabing allotment ng pera.

Hindi umano nakakasiguro ang grupo na maibabalik ang mga nais alisin na pera na nangangailangan ng mas mataas na pondo ngunit umaasa ang grupo na maganda ang kalalabasan ng mga ito.