Makakatulong sa mahihirap na bansa partikular na sa bansang Pilipinas ang isinasagawang 2021 United Nations Climate change conference COP26.

Ito ang ibinahagi ni Eco Dangla, ang siyang spokesperson ng Bayan Pangasinan kung saan pagsasaad nito na dahil sa pagbabago ng klima ay mas pinalalakas nito ang mga kalamidad na dumarating sa bansa.

Aniya malaki ang maitutulong nito upang mapag-usapan ng lahat ng mga lider partikular na ng mga bansang may malaking ambag sa carbon emissions ang mga hakbang na gagwin upang mabawasan ang mga greenhouse gases na sumisira sa ozone layer.

--Ads--

Dagdag nito na dahil sa naging mas malalakas na ang mga bagyo ay tuluyan nitong nasisira ang mga pagunahing hanapbuhay ng mga Pilipino tulad ng mga nasa sektor ng agrikultura at pangisda.

Pagdidiin nito na sa ngayon, ang average surface temperature ng mundo ay nadagdagan ng 1.1 degrees Celsius kumpara sa late 19th-century levels.

Dagdag nito na patuloy ang nararansang mga malakas na epekto ng bagyo sa bansa na may kinalaman sa climate change.

Eco Dangla, spokesperson ng Bayan Pangasinan

Kahit mababa lang umano ang naibibigay na carbon emission ng Pilipinas, makatutulong pa rin ang pagbibigay prayoridad sa isyung ito lalo na at may mga pag-aaral na nagsasaad na maaaring tuluyang mas lalala ang mundo sa taong 2030

Hiling nito ang pakikiisa ng lahat dahil malaki ang papel ng bawat Pilipino sa pagtugon sa Climate Change at iba pang environmental issues sa harap ng global health crisis.