Maihahambing sa nangyaring 2010 earthquake sa Haiti ang naganap na 7.2 magnitude na lindol sa parehong bansa ayon kay Marc-Henry Jean na isang Haitian na eksklusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Dagupan.
Kuwento ni Jean na sa kaniyang naranasang lindol taong 2010 kung saan ito ay may pagyanig na 7.0 magnitude, pareho umanong makikita ang malaking pinsala nito sa bansa.
Pagsasaad din niya na ang ilan lamang sa mga kaibahan rito ay ang tagal ng naganap na lindol kung saan mas matagal na naranasan ito noon.
Aniya malaki ang kaniyang pasasalamat na ligtas ang kaniyang mga pamilya at kaibigan na nakatira sa Haiti pero ang mga tirahan nila ay tuluyan ng nawasak ng naganap na kalamidad.
Dagdag rin ni Jean na hindi pa natuto ang Haiti sa naganap na malaking lindol noong 2010 kaniyang hiling na sana ay matutukan ng gobyerno ay mga regulasyon sa pagpapatayo ng mga imprastraktura upang maiwasan at hindi na maulit pa ang pagguho ng mga gusali sa naturang bansa.