DAGUPAN CITY – Tinatayang P200,000 halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng Dasol PNP na ibenebenta sa kanilang pamilihang bayan ng 2 lalaki.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt Zaldy Fontanos hepe ng Dasol PNP , isang tawag mula sa concern citizen ang natanggap ng kanilang himpilan hinggil sa umanoy kahina hinalang pagbebenta ng 2 lalaki ng mga sigarilyo sa kanilang pamilihan bayan na agad nilang pinuntahan.

Nang beripikahin at hanapan ng kaukulang dokumento ang dalawang lalaki ay walang maipakita ang mga ito kayat inimbitahan nila ang mga ito sa himpilan ng kapulisan.

--Ads--

Dito nila nakita na 50 kahon ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo ang nasa loob ng sinasakyang van ng mga ito na nasa P200,000 ang estimated price.

Nang kanilang tignan ay walang BIR stamp ang kahon ng mga sigarilyo.

PCapt Zaldy Fontanos – Chief of Police Dasol PNP

Ayon umano sa dalawang suspek na tubong Camarines Sur na kasalukuyang nakatira sa bayan ng Sta Barbara, napag utusan lamang umano silang magdeliver ng mga sigarilyo partikular na sa bayan ng Dasol, Infanta at lalawigan ng Zambales.

PCapt Zaldy Fontanos – Chief of Police Dasol PNP

Nagpapatuloy namang ang imbestigasyon ng Dasol PNP sa naturang mga suspek.