‎Inihayag ngna umabot sa dalawang daang sako ng bigas ang unang inilaan para sa programa ng murang bigas sa lalawigan ng Pangasinan. Target nitong makinabang ang tinatayang isang libo at dalawang daang benepisyaryo mula sa mga vulnerable sector.

‎Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang mga senior citizen, persons with disability, solo parent, mga miyembro ng tricycle operators and drivers association, mga indigenous people, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda.

‎Ayon kau OPAG head Dalisay Moya, Batay sa patakaran ng programa, pinapayagan ang bawat benepisyaryo na makabili ng sampu hanggang dalawampung kilo ng bigas sa itinakdang presyong dalawampung piso kada kilo.

Nilinaw ng OPAG na may limitasyon ang bentahan upang masigurong mas marami ang makikinabang sa suplay ng bigas.

‎Samantala, regular na isasagawa ang bentahan ng murang bigas sa Kadiwa ed Kapitolyo na ginaganap dalawang beses kada buwan.
Dito inaasahang mas mapapadali ang distribusyon at pagbili ng bigas ng mga kwalipikadong residente.

‎Kasabay nito, ipinakilala rin ang aplikasyon ng naturang programa na magsisilbing sistema upang mas mapabilis ang pagproseso at pag-access ng mga benepisyaryo sa murang bigas.

‎Tiniyak naman ng OPAG na patuloy nilang babantayan ang implementasyon ng programa sa lalawigan upang matiyak na napupunta ito sa tamang benepisyaryo at napapanatili ang sapat na suplay ng bigas sa lalawigan.