Dagupan City – Matagumpay na natapos noong Setyembre 27, 2026 ang dalawang araw na Free Theoretical Driving Course na isinagawa sa Binmaley Evacuation Center sa pangunguna ni Mayor Pedro “Pete” Abalos Merrera III, katuwang ang Land Transportation Office (LTO)–San Carlos District Office.

Umabot sa 200 kalahok ang nakibahagi sa pagsasanay na nakatuon sa mahahalagang kaalaman tungkol sa road safety, traffic rules and regulations, at responsableng pagmamaneho.

Sa pamamagitan ng dalawang araw na kurso, layunin na madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok upang mas maging maingat, responsable at disiplinado sa paggamit ng mga kalsada.

--Ads--

Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagbabahagi ng LTO–San Carlos District Office ng mga pangunahing impormasyon na maaaring magsilbing gabay ng mga kalahok sa kanilang pagmamaneho at pagsunod sa mga alituntunin sa kalsada.