Hindi bababa sa 20 katao ang kumpirmadong nasawi sa baha at landslide sa Western Indonesia.

Ginamitan ng mga mga heavy equipment ng mga rescue workers upang maghukay ang mga biktima.

Sa North Sumatra, nahukay na ang mga katawan ng limang tao na nawawala.

--Ads--

Nauna ng natagpuan 10 katao na nasawi sa landslide sa Karo district.

Nagsimula ang malakas na ulan na tumama sa apat na distrito sa hilagang Sumatra noong araw pa ng Sabado na nagresulta sa mga nakamamatay na pagbaha at landslide.

Ayon kay Juspri Nadeak, disaster chief, pinakamalubhang naapektuhan ang Karo district

Ang Indonesia ay nakakaranas ng sunud-sunod na sama ng panahon na mas pinapalala ng pagbabago ng klima.

Noong Mayo, hindi bababa sa 67 katao ang nasawi dahilsa magkahalong abo, buhangin, at maliliit na bato na nahulog mula sa pagsabog ng Bulkang Marapi sa West Sumatra na dumaloy patungo sa mga residential na lugar, na nagdulot ng biglaang pagbaha.