DAGUPAN CITY– Isinailalim sa decontamination ang nasa 20 kabahayan sa Brgy Camanang sa lungsod ng Urdaneta na posibleng nadaanan o napuntahan ng covid patient na nagpositibo sa Asingan Pangasinan.

Ang hakbang ay upang mapuksa ang virus na posibleng kumapit sa paligid ng mga bahay .

Isinama rin ang loob ng mga tahanan sa decontamination kung saan may pahintulot mula sa mga may ari nito.

--Ads--


Tiniyak naman ang kaligtasan ng mga residente sa lugar maging ng operation team na nanguna sa decontamination na kumpleto sa protective equipment.

Matatandaan na dalawang kaso ng covid 19 ang naitala sa Brgy. Dupac Asingan.

Ang mga nagpositibo ay kinabibilangan ng 15 anyos na babae
na napag-alamang nalantad sa 29 year old male confirmed case .

Kung matatandaan ang 29 anyos na pasyente ay umuwi sa bayan ng Asingan noong April 30 mula Metro Manila lulan ng isang company car na naclassified bilang Authorized Persons Outside of Residence (APOR).