Dagupan City – Patuloy na nararanasan ng malaking bahagi ng silangang Estados Unidos ang matinding lamig habang patuloy na nararanasan ang malawakang winter storm sa bansa.

Dahil dito, aabot na sa hindi bababa sa 20 katao ang naiulat na nasawi, gayunman, ayon sa ilang opisyal, patuloy pa rin ang imbestigasyon at may mga kaso na hindi pa tiyak ang sanhi ng pagkasawi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, bagama’t nagla-lay low na ang matinding lamig sa ilang bahagi ng bansa matapos ang pananalasa ng winter storm, nananatiling sarado naman ang ilang establisimyento.

--Ads--

Habang nananatili pa rin ang mga residente sa kanilang mga tahanan.
Pansamantalang nagsuspinde naman ang mga klase, ilang mga biyahe, at suplay ng kuryente.

Sa kabila nito naman ng malawakang power outage, ani Pascual, gumagamit naman ng mga alternatibong mapagkukunan ng kuryente ang ilang residente gaya ng mga generator upang matugunan ang kanilang pangangailangan.