Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Natividad Municipal Police Station (MPS) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan Police Office ang isang lalaki sa bayan ng Natividad.

Kinilala ang suspek bilang isang 20-anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho, at residente sa nasabing bayan.

Itinuturing itong Top 1 Most Wanted person sa Municipal Level at Top 6 most wanted person sa provincial level dahil sa kanyang nagawang krimen.

--Ads--

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. T-8575 na walang rekomendadong piyansa.

Sa ngayon, kasalukuyan nang nasa kustodiya na ng Natividad MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.