DAGUPAN CITY- ‎Patay ang isang 20 anyos na Raider matapos mabangga ng isang SUV sa Brgy. Salay, Mangaldan.

Ayon kay Pltcol Perlito Tuayon, chief of Police ng Mangaldan PNP, base sa imbestigasyon, binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Danfred Daroya Santoceldes ang westbound lane papuntang Mangaldan, sakay ang angkas nitong isang menor de edad.

Kasalubong nila ang isang Suv na minamaneho ng 37 anyos na lalaki.

Pagdating sa lugar ng insidente, lumihis sa linya ang driver ng SUV na tangkang mag oovertake sana siya dahilan para bumangga sa motorsiklo.

Sa lakas ng impact, naipit ang biktima sa pagitan ng SUV at isa pang sasakyan sa gilid ng kalsada.

--Ads--

Nagtamo siya ng malubhang injury at idineklarang patay pagdating sa ospital.

Nakaligtas naman ang sakay ng raider na siyang kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Nagnegatibo sa alcoholic breath test ang driver ng SUV at boluntaryong nakipag-ayos sa pamilya ng biktima.

Nangako siyang sasagutin ang lahat ng gastusin kaugnay sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pormal na dokumentasyon at disposisyon ng naturang kaso.