Dagupan City – Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang isang 20-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang van sa provincial road sa Barangay Balligi sa bayan ng Laoac.
Kinilala ang biktima na bilang residente ng Zone 3 sa naaabing bayan Laoac na nagmamaneho ng isang pulang motorsiklo.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang driver ng van na isang 36-anyos na residente rin ng Laoac ay huminto sa inner lane ng kalsada upang magbigay daan sa kasalubong na sasakyan bago lumiko pakaliwa.
Sa puntong iyon, bumangga ang motorsiklo sa kanang likurang bumper ng van.
Dahil sa pagkakabangga, nawalan ng kontrol motorsiklo dahilan para bumagsak siya sa kalsada at magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad naman siyang dinala sa Urdaneta City District Hospital para sa agarang lunas habang di naman nasugatan ang driver ng Van at tumanggi pa itong magpa-eksamin.
Parehong nagtamo ng sira ang mga sasakyan at inaalam pa ang halaga ng pagpapaayos.
Samantala, paalala naman ng kapulisan sa lahat ng motorista na maging maingat at sundin ang mga batas trapiko upang maiwasan ang mga aksidente.