Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kapag hindi sinasadyang ma-submit agad ang iyong online exam kahit hindi mo pa ito tapos masagutan?

Lahat naman siguro tayo ay magpapanic lalo na sa mga grade conscious.

Paano ba kasi kumukuha ang isang 20-anyos na dalagita na kinilalang si Sam Lee ng online exam sa isa niyang subject nang malaglag ang meatballs ng kinakaing sandwich sa keyboard ng kanyang laptop.

--Ads--

Dahil doon ay aksidente siyang na-log out at nakakuha ng bagsak na grado.

Noong una ay mas nag-worry siya sa kanyang laptop dahil baka masira iyon. Pero nang ma-realize niyang wala na sa screen ang exam na sinasagutan niya, nagsimula siyang mag-panic.

Kaugnay nito ay sinubukan pa niyang i-retrieve ang exam, pero aksidenteng nai-submit na iyon.

Makalipas naman ang anim na oras ng pag-iisip kung ano ang kanyang gagawin, nagdesisyon si Sam na mag-draft ng e-mail para sa kanyang propesor.

Kung saan nag-attach siya sa e-mail ng photos ng insidente. Dito ay niya rin ang resulta ng kanyang exam na nakakuha lamang siya ng mababang 39 percent.

Sa huli, hiniling niyang payagan siya nitong ulitin ang pagsusulit at sa pagkagulat ni Sam, kinabukasan ay nag-reply ang kanyang propesor.

Ang sagot nito sa kanya: “Samantha, well, this is certainly a new and unusual excuse for a low score!

Biro pa ng kanyang propesor, “I would recommend you take the test either before or after dinner.”

Tuwang-tuwa naman si Sam sa reply ng kanyang propesor kung saan nag-retake siya ng exam noong araw ring iyon at mas mataas ang naging resulta kaysa sa una niyang exam.