DAGUPAN CITY- Isang bunga ng tagumpay ng ‘pressure tactic’ ng Estados Unidos sa Iran ang napagkasunduang 2-weeks ceasefire.

Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, ang mabigat na pahayag ni US President Donald Trump na “The whole civilzation will die tonight” ay kaniyang inilabas dahil sa mahirap makipagnegosasyon sa gobyerno ng Iran.

Aniya, marami man magsasabing isa itong “war crime” subalit, ito ay ginawa ni Trump upang makuha ang tugon ng Iran na aayon sa kanilang taktika.

--Ads--

Malinaw na ang panguhahing layunin ng pangulo sa nangyayaring sigalot ay ang matuldukan na rin ang patuloy na pagbabanta ng Iran sa Estados Unidos.

Kung matatandaan din na nabanggit ni War Sec. Pete Hegseth na wakasan ang giyera sa loob ng 4-8 linggo at hindi na ito papatagalin pa.

At wala rin sa plano ng US ang matalo mula sa giyera.

Gayundin ang makamit ang nakapaloob sa 15-point outline na kailanman hindi pagkakaroon ng Iran ng kanilang sariling nuclear weapon.

Naniniwala naman si Pascual na makakamit na ang kapayapaan at katahimikan pagkalipas ng napagkasunduang tigil-putukan.

Samantala, bagaman natutunugan ang impeachment complaint ng democrats laban kay Trump at Hegseth, hindi na ito bago at hindi pa ito ang prayoridad ng US.

Hiling na lamang ni Pascual na magkasundo ang daalwang panig; ang democrats at republicans.