Dagupan City – Nahuli ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon ng kapulisan sa mga bayan ng Alcala at Pozorrubio, na parehong sakop ng ikalimang distrito ng lalawigan.

Sa Pozorrubio, isang 58-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Poblacion IV, ang naaresto ng mga tauhan ng Pozorrubio Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest.

Kinakaharap ng suspek ang kasong paglabag sa Sec. 5(B) ng Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, kaugnay ng Sec. 6(A) nito habang may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na umaabot sa P2,000.

--Ads--

Samantala, sa Alcala, isang 28-anyos na lalaki, residente ng Bayambang, ang naaresto sa Brgy. Poblacion East sa bisa rin ng warrant of arrest.

Nahaharap ito sa kasong Estafa sa ilalim ng Art. 315 Par. 2(A) ng Revised Penal Code kaugnay ng Sec. 6 ng R.A. 10175. Ang inirekomendang piyansa para sa kanyang kaso ay P72,000.

Sa ngayon kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Pozorrubio MPS at Alcala MPS ang dalawang suspek para sa kaukulang disposisyon at kakaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila.