DAGUPAN CITY- Arestado ang 2 trabahador ng isang kumpanya sa bayan ng Bolinao matapos mabistong magnakaw ng higit P8-million.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Col. Radino Belly, Chief Of Police ng Bolinao PNP, kinilala ang mga suspek na sina Jeanne Pauline Guantia, 27 anyos, isang internal auditor, residente ng Brgy. Arnedo, sa parehong bayan at si Geraldine Caacbay, 31 anyos, cashier ng isang Trading Company na pagmamay ari ni Edgardo Dela Cruz, 65 anyon, residente ng Brgy. Concordia, sa parehong bayan.

Base sakanilang inisyal na imbestigasyon, sa loob ng walong taon, hindi nakapag-audit ng kanilang remitance ang nasabing kampanya. Nang malaman ng Operation Manager ang balance ng kanilang kampanya, natuklasan nito na may nawawalang malaking halaga sa kanilang koleksyon.

--Ads--

Dagdag pa niya, pina-audit ang mga account ng mga suspek at napag alamang P8,641,766 ang kanilang nakuha. Ito ay ang kabuuan ng kanilang accumulated savings sa loob ng mahigit 8 taon nila sa serbisyo. ‘Di kalaunan ay umamin din ang mga suspek sa nagawa nilang pagnanakaw. Inayos na ang pagsampa ng kanilang kaso upang maifile na rin ito.

Ikinagalit naman ito ng kanilang amo dahil nagawa umano ito ng mga trabahador kahit 8 taon niys iyong pinagkatiwalaan.

Samantala, nahaharap naman ang mga suspek sa kasong Qualified Theft.

Paalala naman ni PLt. Col Belly para sa mga may ari ng kampanya na dalasan ang pag-audit ng sales, deposits, at savings upang mamonitor ito. Maayos ring makipag-uganayan o kausapin ang kanilang mga trabahador o tauhan upang maiwasang mangyari kagaya ng nasabing pagnanakaw.