Mga kabombo! Sinong mag-aakala na ang simpleng libangan pala ng 2 teenager ay siyang magiging sanhi ng kanilang kaparusahan para pagkakabilanggo?
Paano ba naman kasi, ang trip nilang paglaruan ang mga langgam ay nauwi sa hindi inaasahang pagkakataon.
Ayon sa ulat, kinilala ang mga ito na dalawang Belgian teenagers sa Kenya kung saan ay sinampahan na rin ng kasong wildlife piracy matapos mahulihan ng libu-libong langgam na ipupuslit umano para ibenta sa black market ng Europa at Asya.
Kinilala naman ang ito na sina Lornoy David at Seppe Lodewijckx, parehong 19-anyos.
Lumalabas na nakumpiska sa mga ito ang 5,000 piraso ng mga langgam na nakasilid sa mahigit 2,000 test tube na may cotton wool na isang paraan para mabuhay ang mga insekto sa mahabang biyahe.
Kabilang naman sa mga uri ng langgam na nasabat rito ay ang Messor cephalotes, isang malaking pulang harvester ant na matatagpuan sa East Africa.
Ang mga ganitong uri ng langgam ay hindi lamang bihira kundi may mahalagang papel sa ecology dahil tumutulong ang mga ito sa pagpapayabong ng lupa at pagsupply ng pagkain ng mga ibon at iba pang hayop.
Dito na rin napag-alaman na malaki pala ang halaga ng mga ito, kung saan ay umaabot sa 1 million Kenyan shillingo katumbas ng P440,000.
Ayon sa ilan, bagama’t tila maliit iotng usapin, kinumpirma ng mga awtoridad na isa rin ito sa senyales na pagbabago sa trend ng illegal wildlife trade.