Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang mararamdaman mo kapag nawalan ka ng credit card?
Isang katawa-tawa kasi ang nangyaring scenario sa France, matapos na mawala ang kaniyang credit card.
Paano ba naman kasi, nais niyang makihati sa napanalunan ng nagnakaw ng sa kaniyang card?
Ayon sa ulat, nanalo sa isang jackpot na kalahating milyong euro o katumbas ng P30 milyon ang lalaking si Jean-David E., na residente ng Toulouse.
Dahil dito, nanawagan siya sa dalawang lalaking nagnakaw at gumamit ng kanyang credit card upang bumili ng scratch card, na kalaunan ay nagwagi ng €500,000.
Ngunit sa halip na magalit, nais ni Jean-David na makipagkasunduan at makihati sa premyo.
Base sa kaniyang salaysay, nadiskubre niyang nawawala ang kanyang bag noong Pebrero 3, matapos itong manakaw mula sa kanyang kotse. Agad niyang pinahinto ang paggamit ng kanyang credit card at napag-alaman na ginamit ito sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo at ilang scratch cards, na nagkakahalaga ng P3,100.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, isa sa mga scratch card na nabili ng mga magnanakaw ay nagwagi ng P30,301,500.
Dahil sa labis na saya, naiwan pa ng mga magnanakaw ang kanilang mga gamit at sigarilyo sa tindahan. Gayunpaman, hindi pa rin nila nakuha ang premyo dahil agad na na-alerto ang operator ng French lottery, na maaaring magresulta sa kanilang pag-aresto kapag lumitaw sila.
Ngunit may kakaibang alok si Jean-David. Handa siyang iatras ang reklamo at makipaghati sa premyo kung lalapit ang dalawang lalaki.
Ayon naman sa kanyang abogado, may posibilidad na kumpiskahin ng gobyerno ang jackpot kung hindi maaayos ang isyu.