Dagupan City – Naaresto ang dalawang suspek bilang mga Street Level Individual (SLI) na mga real estate agent at construction worker, sa isang buy-bust operation sa bayan ng Binalonan.
Sa operasyon na isinagawa ng Binalonan MPS sa koordinasyon ng PDEA RO1, nakumpiska ang hinihinalang shabu at marijuana.
Kinilala ang mga suspek na isang 56-anyos, construction worker, residente ng Binalonan; at 55 taong gulang na real estate agent mula naman sa Laoac.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 0.99 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP6,732.00, 30.77 gramo ng hinihinalang marijuana tinatayang halaga na PhP3,692.4, buy-bust money na Php1,000 at Php100 bills, pulang kotse at Cellphone.
Samantala, nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










