Nakapagtala ng dalawang panibagong namatay dahil sa COVID-19 ang lungsod ng Dagupan.
Ito ay pawang mga senior citizen mula sa barangay Caranglaan at Poblacion Oeste.
Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng lungsod, na ang mga naturang pasyente pinaniniwalaang may nauna nang karamdaman bago pa makapitan ng naturang
Sa pinakahuling datos, 5 na ang namatay dahil sa nabanggit na sakit sa siyudad at may naidagdag na 5 bagong kaso kabilang ang ilang negosyante sa Magsaysay Fish Market.
Isang 11 anyos na batang babae sa bayan ng Manaoag ang nagpositibo sa Covid 19.
Ang nasabing pasyemye ay kasama sa bahay ng isang covid 19 active case.
Agad namang inilipat ang pasyente sa Manaoag isolation facility.
Agad ding pinaigting ang case investigation at contact tracing sa nakasalamuha at nakasama ng pasyente.
Pinapayuhan ng mga otoridad ang lahat na manatili sa mga kabahayan, at sumunod sa home quarantine protocol na ipinapatupad sa bayan at buong bansa.
Samantala, nakapagtala naman ng apat na bagong covid 19 cases sa lungsod ng Urdaneta.
Ito ay kinabibilangan ng isang 62 anyos na lalaking frontliner sa isang private hospital mula sa barangay San Vicente, isang 66 anyos na baba mula sa barangay Bayaoas, 47 anuyos na lalaki mula sa barangay Camanang at 34 anyos na babaeng frontliner at residente ng barangay Bayaoas sa nasabing lungsod.
Sumatotal, sumampa na sa 723 ang condfirmed cases sa lalawigan ng Pangasinan.
444 ang nakarekober na, 254 ang nananatili sa pagamutan habang 25 na ang nasawi.




