Inaasahang magbibigay ng testimonya sa Senado sina Special Disbursing Officers (SDOs) Gina Acosta at Edward Fajarda kaugnay ng umano’y paghawak at paglipat ng confidential funds, ayon kay House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro.
Sinabi ni Luistro na mahalaga ang kanilang testimonya dahil sila ang direktang humawak sa mga pondong na-encash bago ito ibinigay sa mga security officer.
Aniya, inaasahang magiging “unwilling” o “hostile” witnesses ang dalawa, ngunit umaasa siyang mananatili silang tapat sa kanilang mga naunang pahayag sa ilalim ng panunumpa.
Binigyang-diin din ni Luistro na kailangang maipaliwanag ng mga SDO kung saan napunta ang confidential funds matapos itong ma-withdraw, dahil sila ang pangunahing saksi sa naging proseso ng pagdisburse at pagli-liquidate ng mga pondo.










