Dagupan City – Nasa kustodiya na ng Immigration agency ng Indonesia ang dalawa sa kasamahan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang kimupirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., batay na rin sa natanggap niyang report kahapon (August 21, 2024) kay Philippine National Police Chief (PNP) Police Gen. Rommel Francisco Marbil.

Aniya, nagtangka pa raw na lumabas ng Indonesia sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo nang maharang ito ng Indonesian authorities.

--Ads--

Matatandaan na si Cassandra Li Ong, ay inuugnay kay Guo at sa POGO na Lucky South 99.

Samantala, sa kaso namang kinakaharap ni Pastor Apollo Quibolo, sinabi nito na batay sa natatanggap nilang report iginiit nitong nasa Pilipinas pa si Quiboloy.

Ayon kay Abalos, may direktiba na sa mga pulis na tingnan sa bawat sulok ng bansa si Quiboloy para hindi ito makaalis ng bansa gaya ni dismissed Bamban mayor.