Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan, na nasa kritikal na kondisyon na ang dalawang positibong biktima ng coronavirus disease (COVID-19) dito sa probinsya.

Ayon kay PHO Dra. Ana Marie De Guzman, ang dalawang covid19 patients na mula sa bayan ng Malasiqui ay kasalukuyang nasa critical na kondisyon dahil lumalabas sa kanilang X-RAY na hindi maayos ang kanilang baga at malubha ang kanilang pnuemonia.

Dagdag pa ni Guzman na nahihirapan na magrespond sa binibigay na gamot ang 70 anyos na lalaki dahil na rin sa kanyang edad at kondisyon.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay apat pa lamang ang kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang dalawa ay nauna nang namatay na kinabibilangan ng isang doktor mula sa bayan ng Bayambang at ang isa ay isang balikbayan mula naman sa bayan ng Rosales.