Ideneklarang dead on arrival ang driver ng isang tricycle at pasahero nito habang sugatan ang anim na katao kung saan dalawa ang nagtamo ng malalang pinsala sa katawan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col Vicente Castor , Chief of Police ng Urdaneta PNP naganap ang insedente kaninang pasado alas tres ng madaling araw kung saan patungong bayan ng Binalonan ang bus na may lulang 21 pasahero habang papuntang Villasis naman ang dalawang tricycle.

Posible aniyang nakatulog ang driver ng bus kaya’t naagaw nito ang linya ng dalawang tricycle na nauwi sa aksidente.

--Ads--

Nasawi ang driver ng isa sa mga tricycle at pasahero nito, habang ang isa pa nitong sakay ay nagtamo din ng malalang pinsala maging ang driver ng bus.

Ang isa namang driver ng tricycle at pasahero nito kasama ang 2 sakay ng bus at nagtamo ng minor injury.