Iginawad sa dalawang munisipalidad sa ika-4 na distrito ng probinsya ng Pangasinan ang parangal mula sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Mula sa 36 na piling Local Government Units o LGU’s, kabilang ang bayan ng Mangaldan at San Jacinto sa mga naging recipients ng 2020 Anti Drug Abuse Council o ADAC Special Awards.
Kinilala ng DILG ang kampanya at hakbang ng nabanggit na LGU’s sa pagpapanatili ng pagiging drug-cleared status ng kanilang drug-affected barangays.
Ngayong araw, Dec. 18, pormal na igagawad ng DILG-Pangasinan ang parangal na nakamit ng mga piling LGU’s sa pamamagitan ng virtual forum katuwang ang ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Philippine National Police o PNP at Dangerous Drugs Board.
Ang ADAC Special Awards ay naglalayong makilala ang bawat local government units, civil society organizations, at regional focal persons sa walang sawang pagtutok at pagpapa igting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga.