Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ng dalawang katao matapos magsalpukan ang sinasakyang motorsiklo sa national highway ng Brgy. Nilombot, Mapandan, Pangasinan.

Ayon kay PLT. Jiji Centino, Deputy chief of police sa Mapandan PNP , ang insidente ay kinasasangkutan ng motorsiklo na minamaneho ng isang18 taong gulang na estudyante at residente ng Brgy. Poblacion, Mapandan.

Sa imbestigasyon, patungo ang estudyante sa bayan ng Mangaldan nang makasalulubong niya ang motorsiklo na minamaneho ni Ronald Caguya Centinillar, 40 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Nilombot sa nasabing bayan.

--Ads--

Imbes na lumiko umano si Centinillar ay hindi niya nakontrol na nagresulta sa pagbangga nito sa nasabing motorsiklo.

Parehong dinala sa ospital ang dalawa ,ngunit inilipat sa Region I Medical center si Centinillar habang nailabas na sa ospital ang isa sa kanila.

Lumalabas sa imbestigasyon na parehong walang helmet ang dalawa at nagpositibo sa alcoholic breath si Centillar.