DAGUPAN CITY- Sugatan ang dalawang motorista sa National Road ng Brgy. Umanday, sa bayan ng Bugallon matapos magbanggaan ang mga ito.

Ayon kay PMaj. Ramsey Ganaban, Chief of Police ng Bugallon PNP, kinilala ang dalawang sangkot sa banggaan na sina Jasmin Soriano, 27 taon gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Hacienda, sa parehong bayan at si Hermenio Saura, 29 taon gulang, isang construction worker, at residente naman ng Brgy Cabiernesan, sa bayan ng Mangatarem.

Base umano sa nakakita ng pangyayari, tinatahak ni Soriano ang kahabaan ng nasabing daan mula timog patungong norte. Nang papaliko ito sa Portic Road, nag overtake naman si Saura na naging sanhi ng kanilang banggaan.

--Ads--

Nagtamo naman ng sugat si Soriano sa kaniyang ulo at katawan sapagkat napag-alamanang wala umano itong suot na helmet, at wala din itong lisensya. Habang gasgas naman sa katawan ang natamo ni Saura.

Samantala, dinala naman ang mga ito sa magkahiwalay na pagamutan upang mabigyan ng atensyon pang-medikal. Habang dinala naman sa Bugallon PS ang kanilang mga motorsiklo para sa proper disposition.