DAGUPAN CITY – Nasa maayos nang kondisyon ang mga nasangkot sa isang vehicular accident sa bahagi ng Romulo highway sa barangay Tampak sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay PMaj. Mark Ryan Taminaya, OIC ng Aguilar Police Station, sa imbestigasyon ng kanilang hanay, nawalan umano ng gasolina ang unang motor na minamaneho ni Jason Posadas y Tejada, 38 taong gulang at ang kanyang backride na si Emilio Sison na taga Lingayen kaya naman ay nagtulak sila ng kanilang sasakyan sa kalsada nang bigla silang masalpok ng isa pang motor na minamaneho ni John Hero Lumcam na mula sa Barangay Baybay at ang backride nito na si Desiree Dipayo.

Aniya, sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa mga sasakyan ng mga nasangkot ngunit maswerte namang nakaligtas ang mga ito.

--Ads--

Sa pagsisiyasat ng kanilang hanay, nasa impluwensiya ng alak ang driver ng pangalawang motor na sumalpok sa mga nawalan ng gasolina.

Kaya naman hinihintay na lamang ng hanay ng Aguilar Police Station kung magsasampa ng kaso ang mga biktima sa insident.

Paalala ng naturang opisyal sa publiko na maging responsableng motorista upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente.