DAGUPAN CITY- Naglaan ng dalawang milyong pisong pondo ang Department of Agriculture (DA) para sa mga livelihood program sa bayan ng Mangatarem para sa taong 2024-2025.
Ayon kay Benito Jazmin, Municipal Agrilturist Officer sa DA Mangatarem, isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ay ang pamamahagi ng mga baka sa mga benepisyaryo.
Aniya, pipiliin ang mga taong makikinabang mula sa programa batay sa kanilang kakayahan at kalidad, upang matiyak na magiging maayos ang kanilang pag-aalaga sa mga baka.
Sa ngayon, nagsimula na ang proyekto sa pamamagitan ng pagbili ng dalawang high-breed na baka, na ipinamamahagi sa dalawang bahagi ng bayan.
Layunin ng proyektong ito na tulungan ang mga residente ng bayan sa pamamagitan ng mga bagong oportunidad sa agrikultura at pag-aalaga ng mga alagang hayop gaya ng pagpapalago ng bilang ng baka sa bayan.