Kumpirmadong dalawa ang patay sa apat na criminology student na nalunod sa lungsod ng Dagupan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay police Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr., Chief of Police sa lungsod ng Dagupan, naimbita ang apat na biktima sa isang pagtitipon sa isang subdivision at nagkaroon ng kasiyahan sa pamamagitan ng paglangoy.

Dito na nalunod ang apat na estidyante kung saan isa agad ang nasawi , naisugod sa pagamutan ang isa habang 2 ang nawawala.

--Ads--

Kaninang madaling araw ay natagpuan naman ang bangkay ng isa sa mga nawawalang biktima.

Hindi na pinangalanan ni Mangelen ang mga biktima base na rin sa kahilingan ng kanilang mga kamag-anak.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan at inaalam kung saan eksaktong lugar nalunod ang mga ito. Lumalabas sa initial na imbestigasyon na ang pinuntahang pribadong lugar ay may access ng karagatan dito sa lungsod.