Dalawa ang sugatan matapos na aksidenteng magpaputok ng baril ang isang punong barangay sa isang kilalang mall sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Melecio Daroya Sapiera, 45 anyos , kapitan ng Brgy. Banaoang sa bayan ng Calasiao.

Sa isinigawang imbestigasyon, magbabayad na sana ng bill sa foodcourt ang suspek nang maganap ang insidente kung saan aksidenteng nakalabit ang dala niyang baril at tinamaan ang dalawang biktima ng ligaw na bala sa kanang leeg.

--Ads--

Itinakbo ang mga biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas. Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek at ang baril na ginamit sa nasabing insdente.