DAGUPAN, City- Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng 2 kataong nasawi sakay ng motorsiklo matapos ang nangyaring aksidente sa barangay Alipangpang, sa bayan ng Pozorrubio.

Ayon kay PMaj. Zynon Paiking, Chief of Police ng Pozorrubio Police Station, base sa napagkasunduan ng pamilya ng mga biktima at ng may-ari ng truck, iuurong na ang kaukulang kaso na kakaharapin ng driver ng kanyang pagmamay-aring sasakyan.

Aniya, nang makita naman ng mga pamilya ang kuhang video mula sa CCTV, napagpasyahan na lamang nilang makipagkasundo sa may-ari ng truck na sasagutin nito ang gastos sa pagpapalibing sa mga labi ng kanilang kaanak at magbibigay ng financial assistance sa kanila.

--Ads--

Batay sa kanilang isinagawang imbestigasyon, makikitang sumulpot sa linya ng truck ang motorsiklo na sasakyan ng mga biktima ka naman ay nagkabanggaan sila ng truck.

Maliban pa rito, may isang tricycle din ang umilag sa insidente kung saan ay sumalpok ito sa isang poste malapit sa isang gasoline station.

Sa ngayon ay nasa kustudiya pa ng naturang himpilan ang driver ng truck.