DAGUPAN CITY — Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos bumangga sa kasalubong na tricycle at kotse sa kahabaan ng barangay Pinmaludpod, Urdaneta City.

Kinilala ang mga biktima na sina Romeo Saldivar at Raymond de Jesus.

Dinala pa sa hospital ang mga biktima pero binawian din ng buhay.

--Ads--

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inagaw ng motorsiklo ang linya ng kasalubong na tricycle at kotse.

Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang motor at nabagok ang ulo ng mga biktima.

Samantala, sugatan naman ang driver ng tricycle na si Ally Dimalanta.

Nag-usap na ang magkabilang panig at naareglo ang insidente.