BOMBO DAGUPAN – Dalawang katao ang nasawi habang may iba pang mga natabunan sa pagguho ng isang hotel sa Kröv, Germany.

Nagpapatuloy pa ang mga rescue operation ng nasa mahigit 200 emergency services personnel sa pinangyarihan ng insidente.

Matatagpuan malapit sa pampang ng River Moselle, bumagsak ang bubong ng hotel bandang 23:00 lokal na oras (21:00 GMT).

--Ads--

Labing-apat na tao ang nasa loob ng hotel nang mangyari ang insidente,

Ang nasirang gusali ay itinayo noong 1600s.

Ang Moselle valley ay isang sikat na destinasyon ng mga turista, dahil sa sikat sa mga ubasan at magagandang lumang bayan nito.