DAGUPAN CITY–Dalawang katao ang kinonsidera bilang patients under investigation (PUIs) dahil sa Covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sumasailalim ang mga ito sa quarantine sa isang ospital dito sa lalawigan .

Kabilang dito ang isang 40-anyos na overseas worker mula Taiwan at isang 5-taong gulang mula Spain.

--Ads--

Kinonsidera rin ng mga opisyal bilang persons under monitoring ang mga nakasalamuha ng 2 PUIs.

Kaugnay nito, humiling na ng tulong sa publiko ang Provincial Health Office (PHO) , lalo na sa mga nakasalamuha ng Australia-based Filipina Lawyer na makipagtulungan sa kanila upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng lalawigan na bagamat natukoy na ang mga lugar na pinuntahan ng COVID-19 victim nahihirapan parin sila sa pagtukoy ng lokasyon ng mga posibleng nakasalamuha nito.

Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer – Pangasinan

Mahirap din aniya sa ngayon na tukuyin kung pawang mga residente lamang sa probinsya ang mga nakasalamuha nito sa mga lugar na pinasyalan dito ng biktima ng sakit.

Binigyang diin pa ni Dra. De Guzman na may responsibilidad ang lahat dito na makiisa upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit.

Sa isinagawang regular session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, ipinaliwanag ng Provincial Health Office (PHO), kung paano nila nakalap ang listahan ng mga taong dumalo sa pagtitipong pinuntahan ng Australian lawyer para sa kanilang ginagawang contact tracing, na kalaunan nga ay nagpositibo sa 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay de Guzman, ang nagbigay sa kanila ng guide ay ang pag base nila sa deklarasyon ni Governor Amado “Pogi” Espino III noong Pebrero 13 na suspendihin ang lahat ng anumang provincial activities at sila ay nagsagawa ng short-listing ng mga reunion na partikular na dinaluhan ng mga balik-bayan at doon nila nalaman kung saan at sinu-sino ang nakasalamuha ng nabanggit na Australian lawyer na nagpositibo sa COVID-19.

Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer – Pangasinan