Nakapagtala na ng 2 kaso ng pagkasawi ang Pangasinan Provincial Health Office dahil sa sakit na rabies.
Patuloy din na nadadagdagan ang mga bilang ng mga nakakagat o animal bite sa buong probinsya.
Ayon kay Dr. Vivian V. Espino ang Officer in Charge ng nasabing opisina na ang dalawang indibidwal na nasawi ay mula sa bayan ng Binalonan at Dagupan City.
Ito ang kanilang datos sa unang kwarter ng taong ito kung saan sa buong buwan ng taong 2024 naitala ang 4 na kaswalidad dahil sa nasabing sakit.
Ipinaliwanag nito na kapag ang hayop ay nagkakalkal ng basura o madumi ang kanilang nakasanayan ay posible itong infected ng rabies virus kaya kapag kumagat o kumalmot ito ng tao ay maaring maipapasa ang sakit o virus.
Magdudulot ito ng mga ibat-ibang sintomas na maaring mauwi sa pagkamatay kung hindi naagapan.
Sa mga ganitong sitwasyon, ang ginagawa ng mga tao ay agad nagpapaturok ng anti-rabies vaccine sa mga accredited Animal Bite Center pagkatapos makagat.
Saad pa ni Dr. Espino na hindi pa naman nagkukulang ang mga supply ng mga bakuna dahil kung maubusan ang isang ospital ay maari magbigay ang Provincial Office.
Paliwanag nito na ang pagkakaroon ng bakuna ay magsisilbing proteksyon sa virus kapag nakagat ng anumang hayop.
Kahit aniya sariling alaga na malinis o domesticated pet ay iba parin ang pagigin maingat dahil may naging kaso ang opisina na makalipas ang 5 taon ay lumalabas ang sintomas ng sakit dahil hindi ito agad nagpabakuna.