Dagupan City – Nagtamo ng mga minor injuries ang dalawang katao matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isang bus sa Provincial Road sa Barangay Sapang sa bayan ng Manaoag.

Sangkot sa insidente ang isang Passenger Bus na minamaneho ng isang 53-anyos na bus driver mula Rosario, La Union, at isang puting motorsiklo na minamaneho ng isang 25-anyos na magsasaka mula rin sa Rosario, La Union, kasama ang kanyang 20 taong gulang na backrider na caregiver mula Sto. Tomas, La Union.

Batay sa imbestigasyon, pansamantalang huminto ang bus sa kanang bahagi ng kalsada upang magsakay ng pasahero nang bigla itong banggain sa likuran ng motorsiklo.

--Ads--

Dahil sa impact, nagtamo ng mga minor injuries ang driver ng motorsiklo at ang kanyang backrider, at agad silang dinala sa ospital habang hindi naman nasaktan ang driver ng bus.

Kasalukuyang inaalam pa ang halaga ng pinsala sa mga sasakyan, na ngayon ay nasa kustodiya ng Manaoag MPS.