DAGUPAN CITY– Arestado ang dalawang High Value Target o HVT ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA Pangasinan sa isinagawang buy bust operation sa De Venecia Highway dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Boy Palisoc at Roel Montero.

--Ads--

Modus umano nila ay naglalagi sa mga inn at doon isinasagawa ang ilan sakanilang mag transaksiyon.

Itinuturing na mga Bigtime drug pushers ang dalawa na nag ooperate sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan hindi lamang sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa team leader ng PDEA Pangasinan, umaabot sa P250,000 ang kanilang ginamit na marked money at nasa humigit kumulang 50 grams ang nakumpiskang illegal na droga mula sa dalawang suspek. Nakuha rin mula sakanilang pangangalaga ang isang motorsiklo at cellphone na kanila ring ginagamit sa iligal na aktibidad.

Nabatid na ang dalawa ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad subalit bahagyang nahirapan ang PDEA dahil sa palipat-lipat ng mga lugar o tirahan ang dalawa.

Isa sa mga tropa ng PDEA Pangasinan ang nagpanggap na poseur buyer na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa kahapon.

Katuwang ng PDEA ang Intel division ng Dagupan City Police Station sa isinagawang operasyon.