Positibo sa COVID-19 ang dalawang frontliners sa bayan ng Agno.
Ito ay bunsod ng isinagawang mass testing o PCR/Swab Test ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa RHU II sa Barangay Magsaysay ng naturang bayan noong Hunyo 3, 2020.
Pawang mga asymptomatic ang parehong 53-anyos na kalalakihang frontliners na taga barangay Poblacion East, Agno.
--Ads--
Sa kasalukuyan, sila ay naka-isolate na at nagsasagawa na rin ng contact tracing.
Sa ngayon ay pinagpupulungan pa ng Local Inter Agency Task Force ng bayan ng Agno ang tungkol sa safety measures na kanilang ipatutupad sa mga susunod na araw.