DAGUPAN CITY– Arestado ang dalawang foreign nationals matapos na mahulian ng halos limang milyon pisong halaga ng iba’t-ibang iligal na droga, pera at mga drug paraphernalia dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Sa pinagsanib na puwersa ng mga otoridad, naaresto ang mga High Value Target na kinilalang sinan Hood Abdulqawi Salem, isang Yemen national at Mohamed Abbas Mohamed Yassin, isang Sudanese sa bahagi ng Claveria road, Brgy. Malued dito sa lungsod.

Nakuha sa pangangalaga ng mga ito ang isang plastic bag na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na halos isang kilo at may street value na 4,760,000 pesos; bukod pa ito sa pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng higit sa 260,000 at iba pang mga drug paraphernalia at ilang bundle ng pera na isang libong piso.

--Ads--

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng mga otoridad at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.