Dagupan City – Sa isang seremonya ng Department of Agriculture Pangasinan Research and Experiment Center sa Sta. Barbara dalawang bagong makinarya na nagkakahalaga ng Php 2.9 milyon ang ipinagkaloob sa mga miyembro ng dalawang magsasaka mula sa bayan ng Mangaldan.

Ito ay bahagi ng tulong mula sa Department of Agriculture (DA), at ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan.

Ang mga makinaryang ito ay para mapadali at mapabuti ang mga proseso ng pagsasaka. Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng isang Rice Combined Harvester at isang Four-Wheeled Tractor with Precision Seeder and Rotavator.

--Ads--

Sa nasabing turnover ceremony, ipinahayag ang suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga makinarya at iba pang kagamitan.

Patuloy naman ang isinusulong na programa ng departamento at lokal na pamahalaan upang mapalago ang sektor ng agrikultura na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa bayan.