Mga kabombo! Mahilig ka ba sa bumisita sa mga museo?
Ngunit paano kung ang isang kinamamanghaang artwork ay aksidenteng napagkamalang “basura”?
Ito kasi ang nangyari sa isang artwork ng French artist na si Alexandre Lavet na tinawag na All The Good Times We Spent Together. Ayon sa ulat, kahawig ito ng dalawang beer cans na wala ng laman at may yupi pa. Ngunit, kung pagmamasdang mabuti, napaka-detalyado ng hand-painted design gamit ang acrylic bilang medium at patterned sa isang popular beer brand sa Belgium.
Kopyang-kopya rin kasi ng artist ang hitsura ng actual beer cans, at parang naka-print ang label sa mismong mga lata. Kung saan nakalagay pa ito sa isang glass lift shaft, at nagpapahiwatig na parang iniwan ang mga beer cans matapos maubos ang laman.
Ayon sa artist, mahabang panahon ang kaniyang iginugol upang mabuo ang obrang sumisimbolo sa masasayang oras na pinagsamahan ng magkakaibigan.
Ang mga obra ni Alexandre Lavet ayy naitatampok na rin sa malalaking galleries and museums gaya ng Durst Britt & Mayhew sa The Netherlands.
Base naman sa inilabas na statement ng LAM Museum last October 1, 2024, napagkamalan nga ng lift operator na basura ang artwork ni Alexandre—at itinapon iyon.
Hanggang sa mapansin na ni museum curator na si Elisah van den Bergh na nawawala ang artwork. Doon na ito hinanap, sa huli, hindi naman sinisi ang lift operator sa pagkakamali at patunay lamang aniya ito na isang kakaibang obra ang ginawa ni Alexandre.
Matapos namang ma-retrieve at linisin, inilagay ang mga beer cans sa isang platform malapit sa entrance ng museum para hindi na uli aksidenteng maitapon.