Dagupan City – Magsasagawa ng dalawang araw na Modified One-Stop Shop para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Registration Processing sa bayan ng Umingan sa darating na Pebrero 11 at 12, 2026.
Ayon sa anunsyo, gaganapin ang aktibidad sa Umingan Public Auditorium na matatagpuan sa Barangay Poblacion West, kung saan maaaring magproseso ang mga kwalipikadong indibidwal ng kanilang lisensya at rehistro ng baril sa isang lugar lamang.
Layunin ng nasabing one-stop shop na mapabilis at mapadali ang legal na pagmamay-ari at pagpaparehistro ng mga baril, kasabay ng kampanya ng pulisya laban sa loose at ilegal na armas.
Inaasahan ding makatutulong ito sa pagpapalakas ng kaayusan at seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng mas maayos na dokumentasyon ng mga baril.
Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na magtungo sa lugar sa itinakdang petsa at magdala ng kumpletong mga kinakailangang dokumento.
Pinayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa lokal na himpilan ng pulisya para sa karagdagang detalye at gabay hinggil sa proseso.










