BOMBO DAGUPAN – Nagsasagawa ng 2-day Licensed to Own and Posses Firearms and Firearms Registration Caravan sa Brgy. Bugallon-Posadas sa lungsod ng San Carlos.

Nag-umpisa na ito ngayong araw hanggang bukas, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Ayon kay PCapt. Aldrin Tamayo, Operation Officer ng San Carlos PNP, bago makapagparehistro ng mga loose friearms o makabili ng baril ay kailangan muna ng ng LTOPF.

--Ads--

Inasahan na ang pakikilahok ng mga gun owners kagaya na lamang ng mga Gun enthusiast, police officers, law enforcement officers, at mga iba pang indibidwal na wala pang LTOPF o mga wala pang registration sa kanilang mga armas.

150 na indibidwal ang kanilang tatanggapin kada araw para makapag parehistro.

Paalala ni Pcapt. Tamayo na ang mga expired registration ng mga firearms ay itinuturing na loose firearms na kung saan ito rin ay labag sa batas.

Kaya naman panawagan niya sa mga gun owners na may loose firearms na isurrender ito.

Para naman kay Ehrlich Bermudez mula sa Pangasinan Shooters Association ang gun safety seminar ay mahalaga para sa mga gun owners

Aniya, importante na suriin ng maiigi ang mga baril may bala man o wala at huwag isipin na ito ay laruan dahil ito ay delikado, lalo na sa mga unang beses pa lamang magkaroon ng baril.

Payo naman niya na magparehistro na dahil mahirap ang hindi linsensyado ang armas.