DAGUPAN CITY- Tampok ang local history ng Pangasinan sa pagdiwang ng ika-126 taong anibersaryo ng araw ng kalayaan sa Kasarinlan Exhibit: Komisyoner para sa Wikang Pangasinan sa Banaan Museum.
Ayon kay Dr. Melchor Orpilla, Guest Speakers sa nasabing exhibit, kabilang sa binigyan pansin ay ang kasaysayan ni Andres Malong at Pantaleon Perez.
Aniya, hindi lubos na maabot ng kaisipan ang pambansang kalayaan kung hindi alam ang lokal na sakaysayan.
Nababasa man ang mga ito sa ilang libro at impormasyon mula sa social media, ngunit wala aniya ang malalimang pag-aaral sa naging buhay ng mga ito.
Sa katunayan, kabilang ang mga ito sa malaking pag-aalsa sa kasaysayan upang mapalaya ang lalawigan ng Pangasinan sa kamay ng mga Espanya.
Kaya hiling ni Dr. Orpilla na maraming makapasok sa museo upang lumawak pa ang makakilala sa dalawang bayani.
Dagdag pa niya, mahalaga mapag-aralan ang kasaysayan ng isang lokal upang matamasa ang kalayaan.
Samantala, ayon kay Gov. Ramon Guico III, kailangan umanong simulan na magkaisa ang mga mamamayan ng Pangasinan upang ipaglaban ang Malico mula sa mga umaagaw na karatig probinsya.
Kaya bilang suporta sa Malico, magkakaroon aniya ng mga imprastraktura bilang pagmamalaki ng lalawigan na kabahagi nila ang nasabing lugar.