BOMBO DAGUPAN – Nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng African Swine fever ang dalawang bayan sa lalawigan ng La Union dito sa region 1.

Ang mga kumpirmadong kaso ay naitala sa isang barangay sa bayan ng Luna at tatlong barangay sa Balaoan sa nasabing lalawigan

Kinumpirma ni Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division ng Department of Agriculture Region I, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan nanagpositibo ang mga sample na ipinadala sa laboratoryo.

--Ads--

Sinabi nito na sasailalim sa culling o pagpatay ang mga nagpositibo na mga alagang baboy.

Sinabi ng doktor na ang mga senyales na natamaan ng ASF ang baboy ay ang pananamlay nito, ayaw kumain at namumutla ang kulay ng baboy.

Kapag ang isang lugar ay apektado ng sakit ay nila la lock down agad ang lugar upang makontrol ang pagkalat ng sakit.

Dagdag pa niya na ang climate change ay nagdudulot din ng epekto sa mga hayop kung saan sila ay nagkakasakit.

Binalaan naman ni Banaag ang mga mag hog raisers na huwag kakatayin ang mga alagang hayop na may sakit dahil mahigpit itong ipinagbabawal.

Bagamat walang epekto sa tao ang virus, pero kapag nahawakan ang mga karne na infected ng virus ay maaaring maging carrier ng virus kung saan maaring magdala ng virus at makaapekto sa ibang mga alagang hayop.

Kaya huwag aniyang manghinayang kung sasailalim sa culling ang mga alagang baboy.