DAGUPAN CITY– Naitala ang 15 recoveries, 10 bagong active cases, at 2 namatay sa COVID-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), ang naitalang nasawi kahapon ay kinabibilangan ng isang 71 anyos na babae mula sa lungsod ng Dagupan, at 65 anyos na babae na mula naman sa bayan ng Anda.

Sumatotal, 1356 ang kumpirmadong kaso sa lalawigan, 887 ang recoveries habang 418 na pasyente ang nananatili sa ospital o Isolation Facility.

--Ads--

Limampu’t-isa naman ang namatay dahil sa COVID-19 sa lalawigan.